Friday, March 13, 2009

Life is short, make it sweet.

Kahapon muntik na akong masagasaan ng jeep. Patawid ako sa may Kamuning, huminto na yung isang jeep para padaanin ako, nung paungos na ako at palagpas sa jeep, may nagovertake naman, ika nga nila, na face to face ako with a possible ending to my life.
Mabilis ang jeep na nagovertake, ilang saglit lang kaharap ko na siya. Ako naman huminto sa pagkilos at nanlambot. Malambot, naramdaman ko kung papano ako kayang ligisin ng jeep na yon, kayang kaya ikalat ang katawan ko sa kalsada.
Buti nalang. Gumalaw ako, umiwas at nakaligtas.
Pagdating ng hapon, alas sais na, pauwi na kami dapat. Hindi pa siya nagtetext. Nakailang text na ako. Tumawag, cannot be reached. Kasabay ng kaba ng dibdib ko ang pagharurot at pagalingawngaw ng ilang truck ng bumbero na dumaan mismo sa tapat ng opisina. Ang mga kasama ko, nagsitawag na sa kanilang pamilya, inaalam kung ayos lang ba sila. Ako, ang taong mahalaga sa akin, cannot be reached.
Pag-uwi ko, matapos ang dalawang oras na biyahe, bukas na ang ilaw, nandon na rin ang mga damit niyang suot suot kaninang umaga, hay salamat po at okay siya, pero walang sumasagot sa mga katok ko, taning ang aso lang na hindi naman ako mapagbuksan. Sinubukan kong tumawag ulit, may sumagot na, nanginginig ang boses ko, umiiyak na ako.
Bago ang araw na ito galit ako sa kanya, dahil sa mga ka-text niyang babae. Ganon siguro pag mahal mo ang isang tao, nung sinagot na niya ang tawag ko at nalaman kong nasa tindahan lang pala siya bumili ng load matapos makapagcharge sa bahay, ang saya ko, ang saya ko ding niyakap siya nung magkita na kami.
Kung nagkataon, nasagasaan ako nung umagang yon, kung nagkataon, building nila yung nasabugan. Sa isang iglap, maaaring mawala ang lahat. Naisip ko noon, dapat pigilan ko ang aking sarili sa pagmahal sa kaniya, dahil sinabi naman na niyang paulit ulit na hindi pa niya kayang magmahal uli, pero papano, papano kung isang araw maligis ako ng sasakyan, papano kung isang araw tuluyang hindi ko na siya ma-reach. Kaya mamahalin ko siya ng buong kakayanan ko, simula ngayon at sa bawat segundong magkasama kami.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home